Open for link exchange! Leave message in the chat box. Thank you my friends :)

Wednesday, March 3, 2010

Test Kung may Sayad Ka

Si Juan ay bumisita sa isang mental hospital at siya'y nag-usisa para sa kanyang school assignment.

Juan: Papaano nyo po ba nalalaman kung talagang me sayad ang pasyenteng dinadala sa dito?

Doktor: Ganito yun. Pinupuno namin ng tubig ang isang bath tub. Tapos, iaabot namin sa pasyente ang kutsara, tasa at balde at uutusan namin siyang limasin o tanggalin nya ang tubig sa bathtub. Titingnan namin ngayon kung ano ang gagamitin niya sa tatlo.

Juan: Magaling, siguradong pipiliin ng normal na tao ang balde para mabilis na maubos ang tubig!

Doktor: Mali! Kapag normal ang isang tao, tatanggalin lang niya ang plug (yung tapon na nakabara sa butas) ng bathtub!

0 comments:

Post a Comment